Sa buhay ng isang tao di maiiwasang makaranas ng pagkabigo, ng pag-asa sa isang tao na sana mahalin ka rin niya kahit tila imposible.
May mga taong nukukuntento na lang sa pagtingin at panaka nakang sulyap, di bale nang di ka nya napansin basta ang mahalaga kinilig ka haha :) hayy.. naalala ko tuloy ung isang quotation:
" kapag ang kaibigan mo kinikilig humanda ka na sa mga
nakaambang hampas nito "
basta ganun hehe pde ko ba dagdagan? ganito n lng:
" kapag ang kaibigan mo kinikilig humanda ka na sa mga "
hampas, tili, at kaingayan nito.. lalo na sa "
pasimleng "the moves nito" para lang mapansin ni CRUSH
hehe :P tuloy minsan gusto mo nang lumayo at ikailang
kaibigan mo to hehe ( tama ako no?) tapos kahit
nkalagpas kna sigurado hihirit pa yan ng isang lingon,
minsan dalawa o tatlo o mas marami pa haha :P
sows pag-ibig nga nman hahamakin ang lahat masunod ka lamang .. o masundan? hehe :)
Mga taong nakukuntento sa pag-silip kahit suntok sa buwan na mapansin sila. Umaasa na sana isang araw mapadpad nman ang tingin ni lalaki sa kanya..
May mga taong nagmamahal sa isang tao kahit di nman kilala. Yung love at first sight daww..
Mga taong nag ta try ng isang relationship..
Mga taong nagaantay para sa tamang oras..
Mga taong nakakulong pa din sa nakaraan..
Mga taong nagaantay kay prince charming..
Mga taong manhid..
Ang pag-ibig nga nman npaka hiwaga..
Ang pag-ibig ibat-iba ang mukha.. sa iba-ibang tao, iba ibang kwento..
pero alam nyo kung san nag kapareho?
pareho parehong nkakaramdam ng SAKIT, ng SAYA..
walang relasyong, walang sakit..
walang relasyong di dumaan sa pagsubok
at syempre sa huli may SAYA..
at kung hindi man happy ending malamang andyan lang si MR.RIGHT nag aantay din n dumating ka ..