Thursday, July 7, 2011

Nagmahal pala ko ng tulad NYA? xDD



pagkatapos lahat ng halos ilang buwan na paglimot
pagkaraan ng mga masalimoot na araw
paglipas ng mga bitter na sandali

natatawa ako sa mga salitang naibitaw ng aking mga labi..
isa isa kong inalala ang lahat..
wari hinahabing masusi ang mga alaalang ika'y
nasa aking tabi

natawa ako, NAGMAHAL PALA KO NG TULAD MO?

Ang saya ng pakiramdam na malaya na ako
sa nakaraang halos di ko mapakawalan.
ngayon naglalakbay ang aking isip 
na di ka man lamang sumasagi

Tumiktak ang mga orasan, di ko lubos maisip
na ganoon na pala ko ka tanga ng mga panahong 
ako'y nasa iyong hipnotismo

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------


pero salamat dahil mas naintindihan ko ang LOVE
salamat dahil natapos na yun, salamat dahil di pla sya
para sa akin.. 

salamat dahil naging part sya ng buhay ko
kahit kakatwang isiping 
NAGMAHAL AKO NG TULAD NYA

=)



Wednesday, April 20, 2011

LOVE HURTS

Sabi nila ang masaktan at umiyak ay normal kung totoong nagmamahal ka. Oo, ganun nga talaga siguro. Kung tutuusin mas makirot pa pag nawala ang pag-ibig kaysa sa kahit anung pisikal na pananakit. Iba kasi pag emosyon ang nasaktan. Iba kasi pag totoong nagmahal.

Noong una hinihiling na tulad sa mga fairy tales “happily ever after” SANA. Sa opinion ko naman yung taong nakasakit o, nang iwan sayo malamang tulad mo nasasaktan din siya, di man tulad ng sakit na nararamdaman mo sigurado pati siya nag a-adjust sa mga pangyayari kahit pa ang sitwasyon ay iniwan ka niya para sa ibang babae o, lalake.

Being in love is the best feeling but being  broken is the strange feeling ever. Ang bigat pag nandun ka na sa puntong pilit ka nag mo-move pero parang lahat ng bagay nag papa alala sa kanya.. tama ba? MABIGAT. Tuloy natatanong natin sa Diyos “ bakit kailangang ipakilala mo siya sakin gayong di pala siya para sakin?”
Ako ang sagot ko diyan : simple lang para  MASAKTAN KA!

Para maging matatag ka at patient pa, para matuto at para di na muling magkamali dahil alam mo na sa sarili mo kung paano ang masaktan. 

Saturday, April 16, 2011

MOVING ON

Sa buhay pag-ibig di maiiwasang may naiiwan, may nasasaktan, may patuloy na umaasa at may sumasaya din naman. Pero ang sentro ng kwento ko ngayon ay hindi masaya pero nakakatuwa alalahanin pagkatapos mong malagpasan. Mamangha ka at masasabi sa sarili mong “Tapos na! naka move on na ko”.

Totoong ang pag-ibig ay nakakasakit. Hindi naman masama ang magmahal at di naman din masamang mag try ng isang relasyon. At some point totoo din na physical attraction muna bago pag-ibig pero di ko naman sinasabi na lahat ay ganito dahil may mga nagsasabing kahit na di maganda o gwapo ay minahal nila. Kung sa mga KOREANOVELA nga, may mga taong magkaiba at imposibleng magkasundo  ay nagkakatuluyan. Ngunit sa totoo lang talaga destined na magkatuluyan sila. Sabi nga ni Mike Mason sa libro niyang “The Mystery of Marriage”:

“Real Love is always fated. It has been arranged before time. It is the most meticulously prepared of coincidences. And fate, of course, is simply a secular term for the will of God, and coincidence for his grace.”
Kaya bawat isa sa atin ay may naka destined na. May plano na ang God para sa atin. Huwag tayo magmadali. Kung nasaktan ka man, isipin mo na lang na isa yun sa maga plano ng Diyos sa iyo. Oo, mahirap pero kung hindi ka mag mo-move on, kung hindi ka magpapatawad, kung mananatili ka sa pait ng nakaraan ikaw rin naman ang higit na masasaktan. Ikaw din naman ang mahihirapan bukod dun nakakasakit kana, ikaw pa din ang mukhang kawawa.

Time heals the wound. Laging isiping  Laging may bukas at di mawawalan ng bukas. Malay mo bukas andyan na ang tadhana mo. Sabi nga ni Santino MAY BUKAS PA. Kung ngayon nagkamali ka wag mong hayaang bukas magkamali ka ulit. Marami mang tanong sa ngayon at the right time magkakaroon din ng sagot ang mga yan na magiging way sa full recovery ng heart mo. Maraming pangyayari at nangyayari sa labas na di mo napapansin noong nagmahal ka marahil ito na ang time para I enjoy mo iyon. Enjoy life! Masyadong maikli ang buhay para punuin ng galit at lungkot.

Huwag na huwag mong sisihin at isipin na ikaw ang problema, YOU CAN’T IMAGINE HOW GREAT YOU ARE! Ang dapat mo lang gawin ay maghintay dahil GOOD THINGS COMES TO THOSE WHO WAIT.

Ayon nga sa forwarded message sakin:
WHEN LOVE IS GONE, IT DOESN’T MEAN YOU SHOULD BE BITTER. IT ONLY MEANS YOU NEED SOMEONE BETTER.LOVE ALWAYS ENDS FOR A REASON AND LEAVES WITH A LESSON.

Friday, February 18, 2011

LOVE nothing but LOVE

Sa buhay ng isang tao di maiiwasang makaranas ng pagkabigo, ng pag-asa sa isang tao na sana mahalin ka rin niya kahit tila imposible.


May mga taong nukukuntento na lang sa pagtingin at panaka nakang sulyap, di bale nang di ka nya napansin basta ang mahalaga kinilig ka haha :) hayy.. naalala ko tuloy ung isang quotation:


     " kapag ang kaibigan mo kinikilig humanda ka na sa mga
       nakaambang hampas nito "


basta ganun hehe pde ko ba dagdagan? ganito n lng:


    " kapag ang kaibigan mo kinikilig humanda ka na sa mga "
      hampas, tili, at kaingayan nito.. lalo na sa "
      pasimleng "the moves nito" para lang mapansin ni CRUSH
      hehe :P tuloy minsan gusto mo nang lumayo at ikailang
      kaibigan mo to hehe ( tama ako no?) tapos kahit 
      nkalagpas kna sigurado hihirit pa yan ng isang lingon,
      minsan dalawa o tatlo o mas marami pa haha :P


sows pag-ibig nga nman hahamakin ang lahat masunod ka lamang .. o masundan? hehe :)


Mga taong nakukuntento sa pag-silip kahit suntok sa buwan na mapansin sila. Umaasa na sana isang araw mapadpad nman ang tingin ni lalaki  sa kanya..


May mga taong nagmamahal sa isang tao kahit di nman kilala. Yung love at first sight daww..


Mga taong nag ta try ng isang relationship.. 


Mga taong nagaantay para sa tamang oras.. 


Mga taong nakakulong pa din sa nakaraan..


Mga taong nagaantay kay prince charming..


Mga taong manhid..


Ang pag-ibig nga nman npaka hiwaga..


Ang pag-ibig ibat-iba ang mukha.. sa iba-ibang tao, iba ibang kwento..


pero alam nyo kung san nag kapareho?


pareho parehong nkakaramdam ng SAKIT, ng SAYA..


walang relasyong, walang sakit..


walang relasyong di dumaan sa pagsubok


at syempre sa huli may SAYA..


at kung hindi man happy ending malamang andyan lang si MR.RIGHT nag aantay din n dumating ka ..

Monday, January 24, 2011

L.O.V.E

LOVE is blind.

LOVE is a feeling of completeness, forgiving, understanding and inspiring.

Love is not a necessity, but it is life's greatest gift and luxury.

Anu nga ba ang LOVE? kabuang isipin.. 

Ayy Ewan..

I truly wonder bket may mga taong nag papakamatay dhil sa pagibig? bket may nagpapaka gaga at nkikipag siksikan khit wala na clang pwesto sa buhay ng taong mahal kuno nila.. 

Nuon naiinis ako sa mga quotes about sa LOVE.. minsan pag nkaka receive aq nun nde ko na natutuloy ang pag basa diretso delete agad.. 

Hindi ko tlga alam ang feeling ng totoong ma in LOVE ., maaaring alam ko pero d aq cgurado ahehe.. kulit ko  no? 

minsan kasi may taong dumating.. 

--sabi ko LOVE na ata to..

From that day, dun ko na appreciate yung quotes about sa LOVE.

hanggang isang araw na realize ko masaklap pla yung ma in LOVE
natapos agad ang love story ( daww..)

tapos naisip ko LOVE b tlga un o, infatuation lng?

para ksing ambilis ng pangyayari..

♥ THE END ♥

  

Friday, October 29, 2010

Papel at panulat



Ako isang estudyante, di mayaman pero mayaman sa kaibigan. Although lahat tayo ay may differences masasabi kong may mga pagkakaparehas din tayo. Nagdaan ako ng elementary at high shool at eto na nga ako sa College bukod dun maaaring may pagkakaparehas ndin tayo sa mga problema...

Naranasan mo nbang mamroblema dahil nakalimutan mong bumili ng papel o, naubusan ka dahil sa kakahingi sayo ng mga kaklase mong di nagdadala ng papel? Ooppss! aminin wag na mag deny maaaring mayaman k man o, hinde naranasan mo nato. Hirap tlga pag may biglaang quiz tapos ang laman lang ng bag mo ay notebook, ang masaklap pa pati ballpen missing den (sabay ngingiti dyan yung nkakarelate) at dahil wla ka ngang dala, naubusan o nwala, wala kang magagawa kundi humingi at manghiram. OUCH n lang kung lahat ayaw mamigay at magpahiram. 


Kadalasan nman ganun tayo (inuulit ko aminin mo may pangyayari sa buhay mo na pag nghiram ung classmate  mo sayo ng ballpen o, lapis; sasabihin mo isa lang ballpen o, lapis mo o, wla na). O kaya nman pag nang hingi sayo ng papel sasabihin mong ay "sorry ubos na". Dba tma ako? :)

After mong basahin to tsaka mo mare realize ay OO nga no :)
eto tlga ang isa sa mga major problem ng mga estudyante. hehe :)



Thursday, October 28, 2010

College life vs. High School life

Ingay dun, gala dito, kopyahan at kalokohan.. Ito ang college life.
Ahmm.. halos wala nman pinagkaiba sa high shool. 

Sa oras na tatamad tamad ka cgurado babagsak ka. ang masaya lang dito mas malaya ka.
Dami gala tsaka lagi said ang pitaka.Masaya pero pag oras na bigayan na ng grades.. dian lahat kakaba kaba.. Madami  padin friends pero may times na dapat matuto ka din magisa..

College life? tulad din ng high school na puno ng kalokohan pero mas mature nman. Panung mature?
ung tipong dapat marunong kang umunawa kpag ayaw kang pakopyahin ng katabi  mo. 
tsaka gumawa ng sariling assignment di ung mag papa xerox k lng.. unfair un  haha..

Sa college life di uso ang maraming notebook.. scratch lang pede na.. hehe :)
Yung mga PROF? sus isa pa yan!  hirap habulin pag me kailangan ka buti pa sa high school kaw ung nilalapitan at hinahabol ng mga guro tsaka nung high school nakakulong ka sa SKUL pag may pasok.. Sa COLLEGE mag liwaliw ka walang pipigil at haharang na guard sayo!

High School nga daw ang pinaka msaya.. maaaring OO at HINDI.. Para kasi sakin depende yan sa experience ng isang tao.. Minsan kasi kung san natin inaakalang magiging masaya tayo ay yun pa ang nagiging sanhi ng kalungkutan ntin.

High School dito kadalasan nabubuo yung mga samahang hanggang huli ay maaari mong sandalan. Masaya kasi bukod sa mga kaibigan sabi nga nila dito mo mararanasan ang mga hindi mo pa nararanasan parang College continuation nga lang,,  Mas mahirap pero masaya din. Puno ng adventures pero mahirap kasi bawal ang pa easy easy. 

In the same way ang dalawang parte ng buhay ntin na ito ay sadyang mahalaga.. Actually ang mahalaga tlga ay yung mga taong naging parte ng mga kaligayagan ntin pati nrin ang lungkot, sila kasi ang bumuo ng mga karanasang nag patibay sa atin.

So sa lahat na naging parte ng buhay ko.. 

MAGANDA MAN O PANGET..
dahil sa inyo nabuo ang "Lyndel na to" :)