Sabi nila ang masaktan at umiyak ay normal kung totoong nagmamahal ka. Oo, ganun nga talaga siguro. Kung tutuusin mas makirot pa pag nawala ang pag-ibig kaysa sa kahit anung pisikal na pananakit. Iba kasi pag emosyon ang nasaktan. Iba kasi pag totoong nagmahal.
Noong una hinihiling na tulad sa mga fairy tales “happily ever after” SANA. Sa opinion ko naman yung taong nakasakit o, nang iwan sayo malamang tulad mo nasasaktan din siya, di man tulad ng sakit na nararamdaman mo sigurado pati siya nag a-adjust sa mga pangyayari kahit pa ang sitwasyon ay iniwan ka niya para sa ibang babae o, lalake.
Being in love is the best feeling but being broken is the strange feeling ever. Ang bigat pag nandun ka na sa puntong pilit ka nag mo-move pero parang lahat ng bagay nag papa alala sa kanya.. tama ba? MABIGAT. Tuloy natatanong natin sa Diyos “ bakit kailangang ipakilala mo siya sakin gayong di pala siya para sakin?”
Ako ang sagot ko diyan : simple lang para MASAKTAN KA!
Para maging matatag ka at patient pa, para matuto at para di na muling magkamali dahil alam mo na sa sarili mo kung paano ang masaktan.
No comments:
Post a Comment