Sa buhay pag-ibig di maiiwasang may naiiwan, may nasasaktan, may patuloy na umaasa at may sumasaya din naman. Pero ang sentro ng kwento ko ngayon ay hindi masaya pero nakakatuwa alalahanin pagkatapos mong malagpasan. Mamangha ka at masasabi sa sarili mong “Tapos na! naka move on na ko”.
Totoong ang pag-ibig ay nakakasakit. Hindi naman masama ang magmahal at di naman din masamang mag try ng isang relasyon. At some point totoo din na physical attraction muna bago pag-ibig pero di ko naman sinasabi na lahat ay ganito dahil may mga nagsasabing kahit na di maganda o gwapo ay minahal nila. Kung sa mga KOREANOVELA nga, may mga taong magkaiba at imposibleng magkasundo ay nagkakatuluyan. Ngunit sa totoo lang talaga destined na magkatuluyan sila. Sabi nga ni Mike Mason sa libro niyang “The Mystery of Marriage”:
“Real Love is always fated. It has been arranged before time. It is the most meticulously prepared of coincidences. And fate, of course, is simply a secular term for the will of God, and coincidence for his grace.”
Kaya bawat isa sa atin ay may naka destined na. May plano na ang God para sa atin. Huwag tayo magmadali. Kung nasaktan ka man, isipin mo na lang na isa yun sa maga plano ng Diyos sa iyo. Oo, mahirap pero kung hindi ka mag mo-move on, kung hindi ka magpapatawad, kung mananatili ka sa pait ng nakaraan ikaw rin naman ang higit na masasaktan. Ikaw din naman ang mahihirapan bukod dun nakakasakit kana, ikaw pa din ang mukhang kawawa.
Time heals the wound. Laging isiping Laging may bukas at di mawawalan ng bukas. Malay mo bukas andyan na ang tadhana mo. Sabi nga ni Santino MAY BUKAS PA. Kung ngayon nagkamali ka wag mong hayaang bukas magkamali ka ulit. Marami mang tanong sa ngayon at the right time magkakaroon din ng sagot ang mga yan na magiging way sa full recovery ng heart mo. Maraming pangyayari at nangyayari sa labas na di mo napapansin noong nagmahal ka marahil ito na ang time para I enjoy mo iyon. Enjoy life! Masyadong maikli ang buhay para punuin ng galit at lungkot.
Huwag na huwag mong sisihin at isipin na ikaw ang problema, YOU CAN’T IMAGINE HOW GREAT YOU ARE! Ang dapat mo lang gawin ay maghintay dahil GOOD THINGS COMES TO THOSE WHO WAIT.
Ayon nga sa forwarded message sakin:
WHEN LOVE IS GONE, IT DOESN’T MEAN YOU SHOULD BE BITTER. IT ONLY MEANS YOU NEED SOMEONE BETTER.LOVE ALWAYS ENDS FOR A REASON AND LEAVES WITH A LESSON.
No comments:
Post a Comment